PISTON

@piston_ph

Uniting informal public transport workers in the Philippines under a genuine, progressive, and anti-imperialist federation since 1981.
Followers
3,901
Following
44
Account Insight
Score
30.88%
Index
Health Rate
%
Users Ratio
89:1
Weeks posts
Happy Mother’s Day sa aming mga kapwa ka-PISTON Women, at sa lahat ng nanay at kababaihang kumakayod sa trabaho, nag-aaruga sa pamilya, at kumikilos para sa kabuhayan at karapatan! 🩷✊ Para sa ating mga nanay at kababaihang madalas hindi nakikita ang pagod at sakripisyo—malaki ang ambag natin sa bahay, sa pamamasada, sa samahan, at maging sa ibang larangan. Mahalaga ang ating papel sa pagpapatuloy ng ating mga pamilya, komunidad, at pakikibaka. ☺️🫶 ✨Mula sa mga Ina at Kababaihan ng PISTON Women
63 0
7 days ago
As Filipinos scramble to receive subsidies, an important question remains, whether the government’s 𝘢𝘺𝘶𝘥𝘢 system is enough for them to cope with the ongoing crisis. 𝘈𝘺𝘶𝘥𝘢 is offered as a solution by the Marcos administration, but people are demanding better economic solutions that address the root cause of poverty and protect them even before a crisis hits. Read here: https://cpdg.ph/the-ayuda-trap-why-survival-is-not-a.../ #PeopleEconomics
28 0
10 days ago
Para sa kapwa kababaihang manggagawa sa transport—at sa lahat ng manggagawa sa sektor ng transport at sa iba’t ibang industriya! 🫶 Sama-sama tayong sisigaw—dahil tama ang ating ipinaglalaban. 🩷✊ Mabuhay ang uring manggagawa! Mabuhay ang kababaihang manggagawa! #MayoUno2026
45 0
15 days ago
Bukas, Mayo Uno, lalabas kami sa lansangan! Tara! 🩷✊ Sa gitna ng krisis, hindi na sapat ang magtiis lang. Kaming mga kababaihan sa transport ay kasama po sa pagkilos para sa kabuhayan ng aming mga pamilya, kapwa manggagawa sa sektor ng transport, at lahat ng manggagawa. 📢 Sahod, itaas! Php 1,200 living wage, ipatupad! 📢 Presyo ng langis, ibaba! 📢 Gera ng US, wakasan! 6:00 AM | 📍 Vicente Cruz cor. Espana, Manila 8:00 AM | 🚶‍♀️🚶‍♂️ Martsa patungong Mendiola ✨ Sa mga nais sumama sa amin, message lang sa page. Kita-kits po tayo!
117 1
17 days ago
Bukas, Mayo Uno, magkita-kita muli tayong lahat sa kalsada para sama-samang ipamalas ang lakas ng uring manggagawa! Magkaisa! Mag-welga! Gera ng imperyalistang US, wakasan! Buhay at kabuhayan, ipaglaban! 6AM, Vicente Cruz cor. España 8AM, Martsa pa-Mendiola
37 0
17 days ago
After Langit Lupa (2023) at 4PM, we'll be screening our second program on the same day. Presenting our line up for the evening program. Grateful of our featured filmmakers from across the archipelago in solidarity in this fundraiser for our jeepney drivers. Please bear in mind that we have limited seats and will not conduct any reservations. This is a first come, first serve basis. We'll accept donations through the QR code so share our post to bridge @piston_ph 's GCash account. We will also accept support in cash during the event and all proceeds go directly to PISTON PH. Extra special thanks to @chapterhouse.ph for this partnership. 🙏🏽 See you this Friday!
182 0
18 days ago
Nandoon po kaming mga kababaihan ng PISTON Women—kasama sa transport strike noong Abril 21. 🩷 ✊ Hindi lang sa kusinang bayan at likod ng strike center—nasa programs din kami...kundi nagsasalita...sumasayaw! ☺️ Hawak din po namin ang jeep! 🚌
87 0
22 days ago
Bakit kasama kaming mga kababaihan sa transport sa welga? 🩷✊ Dahil sa bawat araw, ramdam namin kung paano kumakaltas ang mataas na presyo ng diesel sa panggastos sana para sa aming mga pamilya. Hindi kami pwedeng manahimik. Hindi kami pwedeng wala sa laban. Ang panawagan namin: 📢 Ibasura ang Oil Deregulation Law 📢 Tanggalin ang excise tax at VAT sa langis ✨ Mula sa inyong Ate Bing ng PISTON Women
18 0
23 days ago
Sa mga strike center tuwing transport strike o welgang bayan, kami ang kadalasang nagluluto't naglilinis, at nag-aasikaso ng kailangan ng mga welgista. Madalas ituring bilang mga “simpleng gawain” lamang ngunit, sa katotohanan, ay mahalaga sa pagpapanatili ng lakas ng mga kapwa welgista upang maipagpatuloy ang laban. 🩷✊ 📖Maaring basahin ang artikulo na ito sa @pinoyweekly upang mas maunawaan pa ang aming mga mahahalagang ginagawa tuwing protesta: /2026/04/simpleng-gawain-ng-kababaihan-sa-transport-strike/ (Maraming salamat po kay Neil Eco ng @altermidyanetwork para sa litratong ito!)
25 2
23 days ago
“Kaya po kami nagwewelga—hindi dahil trip lang namin. Dahil kung wala sa ating magsasalita, walang magbabago. Sana po ay makasabay naming kayong lahat sa laban na ito.” 🩷✊ Sa harap ng libo-libong kabataan, ibinahagi ni Ate Janeth—jeepney operator, ina, at bahagi ng PISTON Women—ang tunay na kalagayan ng mga pamilya sa sektor sa gitna ng krisis. Panoorin ang buong talumpati ni Ate Janeth sa UP Fair Kalye Tunes!
23 0
24 days ago
📢 𝐓𝐡𝐞 𝐟𝐢𝐠𝐡𝐭 𝐠𝐨𝐞𝐬 𝐨𝐧 𝐟𝐨𝐫 𝐨𝐧𝐥𝐢𝐧𝐞 𝐫𝐢𝐝𝐞𝐫𝐬 𝐢𝐧 𝐭𝐡𝐞 𝐏𝐡𝐢𝐥𝐢𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞𝐬 𝐚𝐦𝐢𝐝 𝐜𝐫𝐢𝐬𝐞𝐬! Across the Asia Pacific alone, Filipinos are one of the most bombarded in terms of shouldering the shocks of the oil and economic crisis brought by the US-Israel war against Iran. The transport sector, which includes riders in the gig economy, is at the receiving end of the disproportionate impact of the crises. Nevertheless, riders are committed in their resolve to organize and mobilize themselves to hold power accountable. Mody Floranda of @piston_ph shared to us in IWSAP’s recent webinar how riders are getting involved in the fight for rights protection and justice 👆🏽 🔗 To watch the full webinar with available interpretations, click the link below bit.ly/DriveTowardsChange-replay Passcode: C39!4+ws 🗣️ Stay tuned to our next activities! #WorkersUnite #DecodeAndDefy #AsiaPacific
18 0
24 days ago
BUKAS NA LIHAM SA AMING MGA PASAHERO TUNGKOL SA P10.00 FARE HIKE PETITION Mahal naming mga komyuter, Ramdam namin ang hirap ninyo sa mahabang pila at matagal na paghihintay. Dahil sa patuloy na gera na lalong nagpataas sa presyo ng krudo, pakaunti na nang pakaunti ang bumibiyaheng jeep, at nagugutom na ang aming mga pamilya. Salamat sa walang-sawa ninyong suporta sa aming mga welga. Ngunit dahil puro panapal na solusyon lamang ang tugon ng gobyerno ni Marcos gaya ng usad-pagong na ayuda na ikinamatay pa ng isang rider, napilitan kaming mag-file ng P10.00 na provisional fare hike ngayong araw para tiyaking may makakain pa ang aming nga pamilya at patuloy na makakapasada para makapag-serbisyo sa inyo. Batid namin na dagdag-gastos ito sa inyong araw-araw na budget, ngunit itinulak na tayo sa pader ng krisis dulot ng kapabayaan ng gobyerno. Sa pumapalong P136.80 kada litro ng diesel, umaabot na sa P6,000 ang arawang gastos namin kasama ang P1,000 na boundary at maintenance ng mga jeep. Sa kasalukuyang P13.00 na pamasahe, kahit pa makapagsakay kami ng 200 hanggang 300 pasahero sa isang buong araw na pamamasada, hindi pa rin sasapat para patuloy na buhayin ang aming mga pamilya. Kadalasan, barya na lang ang naiuuwi namin pagkatapos ng 12 oras na pasada. Kahit pa maging P23.00 ang minimum fare, kailangan pa rin naming habaan ang oras ng biyahe para lang hindi malugi. Alam naming panandalian lamang ang mga rollback dahil nagpapatuloy na kontrolado ng mga dambuhalang kartel ng langis ang industriya ng langis sa bansa. Kaya bukas, Abril 21, umaasa kaming makakasama namin kayo sa Protestang Bayan. Sama-sama nating ipanawagan ang nakabubuhay na sahod, pagtatanggal ng VAT at excise tax sa langis, pagbabasura ng Oil Deregulation Law, at pagtigil sa mga gerang agresyon na nagpapahirap sa ating lahat. Mamayang rush hour, bibiyahe pa rin kami para ihatid kayo dahil alam naming kailangan ninyong makauwi. Ang laban ng komyuter ay laban din naming mga tsuper. Patuloy ninyong kaisa sa laban, Mga tsuper at operator ng bayan
1,127 1
26 days ago