Tuloy ang laban ng EDSA! Biguin ang CHA-CHA!
Mula sa iba't-ibang organisasyong pang-masa, pinagbuklod ng pambansa-demokratikong hangarin. Ingay sa panahon ng pagpapatahimik. Ingay ng paniningil at pagpapanagot sa mga salot ng sambayanan. Tumututol sa Cha-cha at sa patuloy na pangangayupapa ng rehimeng US-Marcos sa imperyalismo.
Lupa, kabuhayan, karapatan at kasarinlan, hindi Cha-cha ng dayuhan at iilan!
Cha-cha ni Marcos, Ibasura!
#NoToChaCha #EDSA38
*****************************************************************
DEMO 2024 OUT NOW; LINK IN OUR BIO
Video credits to @arkipov_
gapas
/gá·pas/
png. pagpútol sa damo, talahib, palay, trigo, at katulad na haláman (pnd ga·pá·sin, gu·má·pas, mang·gá·pas)
Sa panahon bago ang suyuran, nililinis ng mga magsasaka ang bukirin bago bungkalin; damong ligaw, tuyot na pananim, ito ay kanilang gagapasin.
Sa panahon ng anihan, babalik ang mga magsasaka sa pilapil. Ang yamang bunga ng mga binhi, ito ay kanilang gagapasin.
Madaya ang merkado at pabor sa pribado — barya ang tatanggapin ng mga palad na gumagapas.
Walang putik ang talampakan ng mga “mamumuhunan”—sila ang nagbabaón sa utang sa mga nagbubungal at gumagapas.
Sa panahong ito na naghahari ang mga pesteng damong sumisipsip ng sustansya ng lupa, tayo ay magbuklod, tanganan ang karit ng pagkakaisa; oras na ng pag-gapas.
***
Here are 4 tracks of pure militant rage—an offering to our food producers and land tillers, who feed us and occupy the bottom 70% of our social pyramid. Let these be anthems to warn the ruling class, who are infighting for self-interest, that the toiling masses will march and take everything they plundered, our retribution through revolution. #karitstyle
Special thanks to Maria (Tall Ice Lung/Beast Jesus), CB (Lolit Solid), Ralph (Gibraltar/Veils), Randolph (PoR / Lovers Leap), Romeo and Godson (TGR), Vincent and Waws (Glass), Dwight (Limbs), KNR Band Rehearsal Studio
link on bio
RUN INTO THE PIT
RUN. BIKE. GIG. One of the first run-bike-gigs we’ve ever witnessed and definitely a hell of a core memory for all of us.
Huge love to everyone who showed up despite the short prep time — the runners, bikers, pit survivors, donors, pubmat sharers, loud friends, quiet friends, everyone who helped carry this night with us.
This was for the Young Stunnas of Sept. 21. For the #NEGR0S19. For people targeted by fascism and state violence but never erased by it.
A community built on principles, care, noise, movement, and showing up for each other when it matters most.
From quiet miles to loud nights. See you in the streets. See you in the pit. 🖤
📹: DJI Action 5 from @picpax2026 — thank you so much for letting us experience and capture this night through your amazing action cam, rent-free no less. Really appreciate the support and trust 🖤
HUSTISYA PARA SA TOBOSO 19! HUSTISYA PARA KINA ALYSSA, RJ, ERROL, AT MAUREEN! ITIGIL ANG MILITARISASYON SA NEGROS!
Kami, sa GAPAS, mga artista ng bayan mula sa iba’t ibang sektor ay mariing kinukundena ang brutal at walang habas na pagpaslang ng Armed Forces of the Philippines, 79th Infantry Battalion, kina Alyssa Alano, RJ Ledesma, Errol Wendel, at Maureen Santuyo, kasama ang iba pang biktima noong Abril 19, 2026 sa Barangay Salamanca, Toboso, Negros Occidental.
Ang pangyayaring ito ay hindi maituturing na isang lehitimong engkwentro. Sa halip, malinaw itong isang planado at koordinadong operasyon ng estado na nagbunga ng pagkitil sa buhay ng mga sibilyan at organisador na nagsisilbi sa mamamayan. Ang ganitong mga pagpaslang ay patuloy na binabalot sa naratibong “labanan” upang pagtakpan ang pananagutan ng mga armadong pwersa at gawing katanggap-tanggap sa publiko ang karahasang isinagawa.
Si Alyssa Alano ay isang Iskolar ng Bayan, lider-estudyante, at konsehal ng University Student Council ng UP Diliman; si RJ Ledesma ay isang mamamahayag, dating tagapangulo ng League of Filipino Students-Bacolod, at regional coordinator ng Altermidya; si Errol Wendel ay isang artista ng bayan, mananaliksik mula sa UMA, at organisador ng masang anakpawis; at si Maureen Santuyo ay isang dedikadong tagapagtanggol ng karapatan ng mga magsasaka at full-time organizer. Ang kanilang mga buhay ay inialay sa paglilingkod sa sambayanan.
Mariin naming binibigyang-diin na ang red-tagging at terror-tagging ay nagsisilbing mapanganib na instrumento ng estado upang gawing lehitimo ang ganitong uri ng karahasan. Sa pamamagitan ng walang batayang pag-uugnay sa mga sibilyan at aktibista sa armadong tunggalian, nililikha ang isang klima ng takot at demonisasyon na nagiging daan upang ituring silang “lehitimong target.” Ang ganitong praktika ay hindi lamang paglabag sa karapatang pantao kundi isang sistematikong mekanismo ng panunupil na nagbubukas ng pinto sa extrajudicial na pamamaslang.
(1)
Kami sa GAPAS ay buong lakas na nakikiisa sa welga at laban ng mga manggagawa ng Kowloon House West Avenue.
Ang kanilang laban ay hindi hiwalay na usapin—ito ay bahagi ng lumalawak na galit at paglaban ng mamamayan laban sa sistemang patuloy na nagpapahirap sa uring manggagawa. Mula sa mga komunidad ng maralitang lungsod, sa hanay ng mga tsuper at operator, hanggang sa mga estudyante at magsasaka—iisa ang sigaw: tama na ang pagsasamantala.
Ang mga manggagawa ng Kowloon ay malinaw na larawan ng kalagayan ng uring manggagawang Pilipino—sila ang lumilikha ng yaman, ngunit sila rin ang unang ginugutom, binabalewala, at ninanakawan ng karapatan. Ang kakarampot na alok at ang patuloy na paglabag sa kanilang kasunduan ay hindi simpleng pagkukulang—ito ay tahasang pang-aapi.
Bilang mga musikero, Alam naming hindi hiwalay ang sining sa realidad ng lipunan. Ang entablado ay hindi lang lugar ng aliwan—ito rin ay espasyo ng paninindigan. Kaya’t ginagamit namin ang aming boses hindi lamang sa musika, kundi para suportahan ang mga manggagawang patuloy na lumalaban.
Kung walang hustisya, walang kapayapaan.
Manggagawa, magkaisa! Magwelga!
Para sa sahod, trabaho, at karapatan!
#StandWithKowloonWorkers #SuportahanAngWelga #SahodItaas #MayoUno2026
First show in 2026! 💥💥💥
Maraming salamat @kuwagorecords sa pag-imbita sa amin at pagbati sa @limbs1991 sa kanilang album release ng “Like A Poet, Keen To The Rustle Of Leaves”. 🌿
Stream here: /album/like-a-poet-keen-to-the-rustle-of-leaves
Read its supporting tale, “The People’s War as an Experiment on Time”, here: bit.ly/CHRONOWAR
📸: Jhona Labe
@gapasphc
Kuwago Records presents..
Limbs – Like A Poet, Keen To The Rustle Of Leaves release show
Mow's, Quezon City, Philippines
February 7, 2026
FULL SET VIDEO DROPPING OVER AT YOUTUBE!
Link in bio for other full set videos.
Instagram: /stupor.cuts
Youtube: /stuporstudio
Facebook: /stuporstudio
🔊📣 LINEUP PREVIEW for December 6 📣🔊
6/6
▶️▶️ @gapasphc - Primarya
12.6.25 | No Sweat December
Hangout Resto, Calle Uno | 6:30 PM
PAY WHAT YOU CAN!! Let us respect and support the venue -- strictly no OUTSIDE food and beverages allowed. Share this post, bring a friend and see you there! ❄️
Sa gitna ng kaliwa't kanang paninira, intimidasyon at diskriminasyon sa loob at labas ng elektoral na plataporma, magpapatuloy ang pakikibaka ng bawat Gabriela. Hindi lang ito laban ng bawat kababaihan, ngunit ito ay laban din ng mamamayan para sa karapatan, katarungan, at kaunlaran.
Itaguyod natin ang tunay na representasyon ng kababaihan sa Kongreso. Labanan at buwagin ang mga hungkag, peke at nagbabalat-kayong mga partido at pulitikong tinutugunan lang ang interes ng mga naghaharing-uri at nagkakamal ng yaman sa ating bayan.
Mula sa tahanan, komyunidad hanggang lansangan, patuloy ang paninindigan ng kababaihan laban sa karahasan, kahirapan, at pang-aapi. Sama-sama, sabay-sabay tayong tumindig! Labanan ang macho-pyudal na lipunan!
#LabanGabriela
#AbanteBabaePalabanMilitante