Gusto kong ialay ang karangalang ito sa aking mentor, sumalangit nawa — Sir Armando ‘Bing’ Lao, na nagturo sa akin kung paano maging tao at magpakatao sa loob at labas ng produksyon. Madalas stressful at ubusan ng pasensya lalo na kung tipid sa pera, pero ‘wag mong kalilimutan na pagkatapos ng araw, tao ka — kailangan mong magpakatao lalong-lalo na sa kapwa. Siya din ang nagturo sa akin na ang pinakamahalagang ambag ng filmmaker ay magsilbing inspirasyon sa iba. Magturo at humikayat ng marami pang storytellers, para mas lumakas ang boses ng mga iginigilid at baka sakaling marinig. Siya rin ang nagturo sa akin kung paano bumalik sa pinagmulan para muling mabalikan ‘yung dahilan kung bakit ka nagsimula, at kung bakit ka magpapatuloy. - The Outstanding Young Men (TOYM) 2024
Acceptance Speech / Feb. 27, 2025 by Zig Dulay
OMG! Mga kapitbahay, BEST PICTURE ang GREEN BONES sa 50th Metro Manila Film Festival (MMFF)!
Ang pagkilalang ito ay hindi lamang para sa akin, amin; ito ay para sa lahat ng nangangahas na ipaglaban ang tama, sa mga naghahanap ng pag-asa sa pinakamadilim na sandali, at sa mga nakakahanap ng lakas sa pagtubos at paglaya.
Para sa mga kaibigan, mahal sa buhay at sa lahat ng sumuporta simula pa sa umpisa —kayo ang dahilan kung bakit kami patuloy na nagkukuwento, lumilikha ng mga bagay na may saysay at kabuluhan.
Para ito sa lahat na naniniwala sa kapangyarihan ng pagpapakabuti, pag-asa at sa kapangyarihan ng pangarap!
Para ito sa mga naniniwala sa kapangyarihan ng Pelikulang Pilipino!
#PiliinLagingMagingMabuti #WalangHanggangPasasalamatSaLahatNgNaniwalaAtSumuporta #gmapictures
In a world where cinema often glosses over the intricacies of culture by prioritising commercial appeal, this filmmaker shines as a source of authenticity and depth.
Renowned for his heartfelt and authentic portrayal of Filipino narratives, Gen.T honouree Zig Dulay blends local experiences spanning different regions in the Philippines, bringing Filipino culture to the forefront of global cinema.
From thought-provoking dramas to enchanting fantasies, Zig Dulay is reintroducing the Filipino narrative to the world. Tap the link in our bio for more.
Photo: Instagram/@zigcarlo
#TatlerPhilippines #TatlerGenT #LeadersOfTomorrow #TatlerEntertainment
ISANG BUONG TAON ng patuloy na paghahanap — ng mga kuwento, ng kahulugan at ng mas malalim na pag-unawa sa mundo. Sa loob at labas ng pelikula, natuto tayong makinig, magbahagi at lumikha nang may malasakit. Salamat sa mga nakasabay sa biyahe.
Hangga’t may kuwento, tuloy-tuloy lang ang ating paglalakbay.
#IsangTaonNgPagbabahagiAtPagkatuto #MapagpalayangKaarawanParaSaAkin
PASADO tayo mga kapitbahay!
Maraming salamat, Gawad PASADO (Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro), sa pagkilalang PinakaPASADong Direktor at PinakaPASADong Pelikula para sa Green Bones.
Gusto kong ibahagi ang tropeyong ito sa Green Bones team na mula umpisa magpahanggang ngayon, sama-sama at nakiisa sa pagpapalaganap ng nais sabihin ng aming pelikula — piliin laging maging mabuti. Maraming salamat sa GMA pictures sa tiwalang ipinagkaloob n’yo sa akin magmula pa sa Firefly.
At sana, hindi natatapos sa paggawa, panonood, o pagkilala ng mga pelikula ang ating pakikiisa at pakikilahok sa paghahanap ng hustisya para sa mga kagaya ni Dom — para sa mga PDLs, bilanggong politikal, at sa lahat ng biktima ng paglabag sa karapatang pantao sa loob at labas ng kulungan. Kailangan natin itong sabayan ng aksyon, ng paninindigan, at higit sa lahat — ng pakikibaka.
Ipaglaban ang hustisya!
Palayain ang mga bilanggong pulitikal —
Ikulong mga mga kurap!
Pagpupugay sa buong sangkaguruan — kayo ang pag-asa ng pag-asa ng ating bayan.
#LumikhaAtMagsilbiSaKapwa #GreenBones
Director Zig Dulay reads an excerpt from Agaw-Tingin at the Cinemalaya launch of Ricky Lee’s two new books, Pinilakang Tabing and Agaw-Tingin.
--
𝐀𝐠𝐚𝐰-𝐓𝐢𝐧𝐠𝐢𝐧 (Php500), and Ricky Lee's other books are available on Lazada and Shopee.
You may specify if you want the books autographed with a personalized dedication from Ricky. Just go to these links:
Shopee: https://ph.shp.ee/NAsVcza
Lazada: .ph/s.utQm8
Tiktok: /ZSHWdKVpS4D7P-VYfDv/
Video by:
Marlon Nicol Laudit
GREEN BONES proudly takes home multiple honors from the 27th Gawad PASADO Awards!
🏅 Pinakapasadong Pelikula ng Taon — Green Bones
🏅 Pinakapasadong Pelikula sa Paggamit ng Wika — Green Bones
🏅 Pinakapasadong Direktor — Zig Dulay
🏅 Pinakapasadong Istorya — Ricky Lee, Anj Atienza, Kristian Julao, & JC Rubio
🏅 Pinakapasadong Aktor — Dennis Trillo
🏅 Pinakapasadong Katuwang na Aktor — Ruru Madrid
🏅 Pinakapasadong Batang Aktres — Sienna Stevens
🏅 Pinakapasadong Disenyong Pamproduksiyon — Marxie Maolen Fadul
Maraming salamat, Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro! 💚
#GreenBones #27thGawadPASADO #GawadPASADO
Mga kapitbahay — panalo tayo!
Maraming salamat, Gawad Pasado (Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro), para sa pagkilalang PinakaPASADong Direktor at PinakaPasadong Pelikula para sa Green Bones.
Malaking bagay para sa akin na ang pagkilalang ito ay nagmula sa mga guro — mga tagapaghubog ng isipan at konsensya ng kabataan.
Ang pelikula ay hindi lamang libangan — ito ay kasangkapan sa pagkatuto at pagmulat. Sa bawat kuwento, may binubuksang mata, may ginising na damdamin at may binabasag na katahimikan. Sa panahong ito, higit kailanman kailangan natin ang mga kuwentong nagtuturo at nagbubukas ng kamalayan.
At Happy World Teachers’ Day — sa lahat ng gurong patuloy na nagtuturo, humuhubog, at nagpapalaya.
#ParaKayInangNaAkingUnangGuro
Hindi natin sila tinuturuan para maging tulad natin — tinuturuan natin sila para magkuwento ng katotohanang sila lang ang makapagsasabi.
Hindi natin sila hinuhubog para sundan ang ating yapak — kundi para magbukas ng bagong landas.
Daghang salamat, Cinemagis - Northern Mindanao Short Film Festival!
#FoundStorytellers #Create2Serve