From doxxing scammers to exposing cheaters, we go back to the Reddit mines and find three stories from fellow Filipinos in need of moral guidance and advice.
Latest episode can be found through the link in our bio!
ARTISTA NG BAYAN, TARA NA MAYO UNO! ✊🛠️❤️🔥
Mayo Uno DTIYS Submissions 1/2 🎨✨
Sa darating na Mayo Uno 2026, Pandaigdigang Araw ng mga Manggagawa, tayo ay magmartsa sa lansangan at ipanawagan ang nakabubuhay na sahod, pagpapababa ng presyo ng mga bilihin, at paglaban sa karapatan ng uring proletaryado!
Sa harap ng lumalalang panlipunang krisis ay dapat tayong manindigan laban sa pang-aapi at pananamantala ng reaksyunaryong estado. Sama-sama nating singilin ang pasistang rehimen ni Marcos Jr. at imperyalistang US na patuloy na nagpapahirap sa mamamayang Pilipino!
Maraming salamat po sa lahat ng nag-submit at nakilahok sa aming Mayo Uno DTIYS (Draw This In Your Style) at ginamit ang sining at boses at upang makiisa sa pakikibaka ng masang anakpawis! ✊🎨❤️🔥
📣 Tumatanggap pa po kami ng submissions sa mga nais humabol hanggang bukas ng gabi, 9PM. Ipadala lamang ito sa aming page!
💌 Instagram/Facebook:
@aristsforjustpeace , Artists for Just Peace
📧 E-mail:
[email protected]
Maari ding i-post ang inyong mga gawa at paki-tag ang aming page @artistsforjustpeace .
Abangan ang second batch ng mga likha na tumitindig kasama ang mga manggagawa! ✊
📣 Sumali sa aming Mayo Uno coordination gc: https://m.me/j/AbYFG-xd_hVsTdem/
SAHOD ITAAS! PRESYO IBABA!
MARCOS SINGILIN!
LUPA, SAHOD, TRABAHO, AT KARAPATAN, IPAGLABAN!
#MayoUno2026
#SahodItaas
#PresyoIbaba
#MarcosSingilin
@hulyen and @zekemachine (Ella Arcangel) join us in a chaotic, free-wheeling discussion on making komiks, and working a 9-to-5 while juggling aspirations of art. Does one need to suffer in order to create? What are the frictions in your life that help push you creatively? Also, how does one’s clout change people’s perception of you and your perception of fans? Is komiks political? All these and more, share and follow, and remember troops! Sunrise Parabellum.
𝗕𝗢𝗢𝗞 𝗥𝗘𝗩𝗜𝗘𝗪: 𝗘𝗹𝗹𝗮 𝗔𝗿𝗰𝗵𝗮𝗻𝗴𝗵𝗲𝗹: 𝗔𝘄𝗶𝘁 𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗻𝗴𝗶𝗹 𝗮𝘁 𝗞𝘂𝗸𝗼
Nitong mga nakaraang araw, nagugustuhan kong magbasa pa ng mas maraming likha ng ating mga Pilipinong manunulat patungkol sa mga mito at mga kagilagilalas na mga nilalang na pinagpasa-pasahan mula sa panahon na tayo’y nasakop hanggang ngayon.
Bukod sa mga temang naisaad ko sa itaas, nagugustuhan ko rin ang pagbabasa ng mga komiks at grapikong nobela.
Isa sa aking mga nabasa ay ang Ella Archanghel: Awit ng Pangil at Kuko. Ito ay pangalawang installment sa seryeng nilikha ni Julius Villanueva at ni Mervin Malonzo.
Nakatutuwa na kahit pangalawang aklat ko na ito, hindi ako naligaw sa istorya na inilatag ng awtor.
Ilan sa mga nagustuhan ko sa grapikong nobelang ito ay ang pagsasadula sa mga bagay na aking hinahanap kamakailan.
Ang Ella Archanghel ay tumatalakay din sa sosyopolitikal na pangyayari sa ating bansa na sa tingin ko ay napapanahon at karapat-dapat lamang na ipaalam at ipahayag upang patuloy na magdulot ito ng kamalayan sa mga mambabasang Pilipino.
Uminog din ang istorya sa mga nilalang na gawa ng mga malilikot na imahinasyon ng awtor. Kaabang-abang ang bawat senaryo, maging ang mga panel sa nasabing akda. Mistulang bawat guhit ay inilagay nang may intensyon at may saysay.
Sa paglalahat, ang grapikong nobelang ito ay may potensyal. Para sa akin, ang mga elemento na hinahanap ko sa isang akda ay nakapaloob dito — usapang nagbibigay ng kaalaman sa ating paligid, pagtalakay at pagsasabuhay ng mga Mito at mga nilalang na masasabing hinabi at hinubog ng ating mga katutubo at ng ating henerasyon.
Isang testamento ang Ella Archanghel na ang ating kultura at ang ating mga paniniwala ay mayaman, malawak at mayabong. Isang bagay na hindi lamang dapat sa ating mga Pilipino mamalagi, kundi kumalat maging sa ating mga karatig na bansa.
Magandang Balita: Ang seryeng Ella Archanghel ay magiging isa nang “Animated Motion Picture” at malapit nang masaksihan sa ating mga pinilakang tabing sa produksyon ng GMA Pictures, Twenty, Haliya Publishing, Rocketsheep Studio.
⭐⭐⭐⭐