𝑯𝑬𝒀 𝒀𝑶𝑼! 𝒀𝑬𝑺, 𝒀𝑶𝑼!
𝑮𝑨-𝑮𝑹𝑨𝑫𝑼𝑨𝑻𝑬 𝑲𝑨 𝑵𝑨 𝑩𝑨? 👀
If so, why not book a slot for our 𝗼𝗻-𝗰𝗮𝗺𝗽𝘂𝘀 𝗴𝗿𝗮𝗱𝘂𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗽𝗶𝗰𝘁𝗼𝗿𝗶𝗮𝗹 this 𝗝𝘂𝗻𝗲 𝟰 & 𝟱? 🤩🤩
The CFASC has partnered with 𝗞𝗟𝗜𝗞 𝗠𝗲𝗱𝗶𝗮 𝗚𝗿𝗼𝘂𝗽 to give you high-quality photos for an affordable price! ❤️🔥❤️🔥
If you wish to avail a slot or know more about what KLIK offers for this package, be sure to check out the following Google Forms:
🖇️ https://forms.gle/GxHaqVPW4zGRncC2A
🖇️ https://forms.gle/GxHaqVPW4zGRncC2A
🖇️ https://forms.gle/GxHaqVPW4zGRncC2A
For this once in a lifetime milestone, we guarantee you the best! Avail a slot now! ✨✨
Both AA and BFA graduates, as well as non-CFA graduates are welcome to avail! 🙏🙏
𝑨𝑹𝑻𝑰𝑺𝑻𝑨 𝑵𝑮 𝑩𝑨𝒀𝑨𝑵, 𝑴𝑨𝑲𝑰𝑳𝑨𝑯𝑶𝑲, 𝑴𝑨𝑲𝑰𝑨𝑳𝑨𝑴! ✊
Sa darating na biyernes magaganap ang 𝗠𝗜𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗗𝗘 𝗔𝗩𝗔𝗡𝗖𝗘 ng mga kandidato na tumatakbo para sa susunod na CFA Student Council. 🔥
𝗠𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗼𝘀𝗲𝘀 𝗺𝗼 𝗯𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗵𝗮𝗴𝗶 𝗻𝗴 𝗸𝗼𝗹𝗲𝗵𝗶𝘆𝗼! Kaya’t inaanyayahan namin ang nga estudyante, faculty, at staff ng CFA na dumalo sa miting de avance upang marinig ang mga plano ng mga kandidato at maiparating ang mga hinaing para sa ating susunod na mga student leaders. ❤️🔥
📍𝗪𝗛𝗘𝗥𝗘: ADWH (Parola) Lobby
📍𝗪𝗛𝗘𝗡: May 15, 2026 | 1pm-3pm
Kitakits! 🧡💜
𝑯𝑬𝒀 𝒀𝑶𝑼! 𝒀𝑬𝑺, 𝒀𝑶𝑼!
𝑮𝑨-𝑮𝑹𝑨𝑫𝑼𝑨𝑻𝑬 𝑲𝑨 𝑵𝑨 𝑩𝑨? 👀
If so, why not book a slot for our 𝗼𝗻-𝗰𝗮𝗺𝗽𝘂𝘀 𝗴𝗿𝗮𝗱𝘂𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗽𝗶𝗰𝘁𝗼𝗿𝗶𝗮𝗹 this 𝗝𝘂𝗻𝗲 𝟰 & 𝟱? 🤩🤩
The CFASC has partnered with 𝗞𝗟𝗜𝗞 𝗠𝗲𝗱𝗶𝗮 𝗚𝗿𝗼𝘂𝗽 to give you high-quality photos for an affordable price! ❤️🔥❤️🔥
If you wish to avail a slot or know more about what KLIK offers for this package, be sure to check out the following Google Forms:
🖇️ https://forms.gle/GxHaqVPW4zGRncC2A
🖇️ https://forms.gle/GxHaqVPW4zGRncC2A
🖇️ https://forms.gle/GxHaqVPW4zGRncC2A
For this once in a lifetime milestone, we guarantee you the best! Avail a slot now! ✨✨
Both AA and BFA graduates, as well as non-CFA graduates are welcome to avail! 🙏🙏
Taas kamaong pagpupugay sa’yo, Alyssa!
Isang mahigpit na yakap sa ating mga iskolar ng bayan, sa pamilyang Alano, at sa lahat ng kinilala ni Alyssa. Siya ay pinaslang ng 79th Infantry Battalion ng AFP sa Negros Occidental habang siya ay nagpasya na makipamuhay kasama ang mga pesante. Marami pang buhay ang nawala sa insidenteng ito.
Hinding-hindi nila mapupundi ang liwanag mong kumikinang ng pula. Sa bawat sigaw sa lansangan, sa bawat diyalogo, sa bawat luhang papatak, nandiyan ka bilang kabahagi namin sa paglaban. Ang isang tunay na iskolar ng bayan ay tulad ni Alyssa: hindi natatakot maglingkod sa masa. Maaalala ka sa pagsibol ng mga mirasol sa darating na pagtapos ng taon, at magpakailanman. Rest in power.
Inaanyayahan namin ang lahat na sumama sa isang candlelighting at vigil para kay Alyssa ngayong araw, April 23.
4:30PM: Assembly sa Palma Hall
5:00PM: Prayer Vigil sa AS Steps
#JusticeForAlyssaAlano
#DefendNegros
#UpholdHIL
May isang sobrang silya sa opisina ng konseho ng mag-aaral ngayon
May listahan sa klase na kailangang baguhin, dahil isa sa kanila ay hindi na muli papasok
May kulang sa ingay at himig ng Palma, Vinzons, at Mendiola sa hanay ng mga iskolar ng bayan
Wala na ang pinakamaliwanag na bungisngis, pinakamaarteng instruk, pinakakikay na konsensya ng bayan
Alyssa Alano.
Subalit, maingay pa rin ang opisina tuwing may nagpaplano ng pagkilos.
May mga RTR pa rin sa mga klasrum ng Palma.
Patuloy pa ring nagmamartsa ang hanay ng kabataan.
Nananatili ang diwang palaban, anti-imperyalistang sigaw, at militanteng kapasyahan ng ating
Alyssa Alano.
Patunay ang pagpapatuloy ng mga iskolar ng bayan sa walang-hanggang pagmamahal sa masa
na isinabuhay ni Alyssa hanggang huling hininga.
Ang binhi ng pakikibaka na itinanim ni Alyssa, ng lahat ng magigiting na kabataang sapilitang kinuha sa atin
ng pasistang estado,
ay patuloy na sisibol sa ilalim ng pulang kalangitang hinahangad.
Hustisya para kay Alyssa Alano.
#JusticeForAlyssaAlano
#HustisyaParaKayAlyssa
#DefendNegros
#MilitarSaKanayunanPalayasin
📢CFA SC ELECTIONS COC FILING 📢
📣Bukàs at maaari nang magpasa ng Certificate of Candidacy (COC) para sa paparating na Student Elections! Artista ng Bayan, pagkakataon na upang tumayo at paglingkuran ang kapwa estudyante. Panahon na para tumindig para sa sangkaestudyantehan!
Makikita ang mga detalye sa link na ito 🔗: https://bit.ly/4viQY43
Para sa mga karagdagang katanungan, sangguniin ang CFA Student Council 🧡
Isagawa at isapraktika ang karapatang bumoto.
Artista ng Bayan, lumikha ng kinabukasan! 🖌️✊
𝑼𝑷 𝑺𝒀𝑺𝑻𝑬𝑴, 𝑯𝑬𝑬𝑫 𝑶𝑼𝑹 𝑪𝑨𝑳𝑳𝑺! 📢📢📢
The CFASC, along with the local mass organizations, consulted students and faculty, wish to forward this list of demands for the next chancellor UP Diliman.
It is imperative to the wellness of the student body, faculty members and staff that these demands be acknowledged and met by the incoming chancellor in order to ensure the quality of life and conduciveness of learning within the college.
It is, without a doubt, within our right to demand such improvements to our campus life and to the working conditions of our faculty and staff. If you wish to join in and place your name as signatory to these demands, you may do so in the following document:
📌 https://bit.ly/4byy1T6
📌 https://bit.ly/4byy1T6
📌 https://bit.ly/4byy1T6
(𝘗𝘭𝘦𝘢𝘴𝘦 𝘧𝘰𝘭𝘭𝘰𝘸 𝘵𝘩𝘦 𝘧𝘰𝘳𝘮𝘢𝘵 𝘰𝘧 𝘵𝘩𝘦 𝘱𝘳𝘦𝘷𝘪𝘰𝘶𝘴 𝘴𝘪𝘨𝘯𝘢𝘵𝘰𝘳𝘪𝘦𝘴. 𝘐𝘧 𝘺𝘰𝘶 𝘸𝘪𝘴𝘩 𝘵𝘰 𝘳𝘦𝘮𝘰𝘷𝘦 𝘺𝘰𝘶𝘳 𝘯𝘢𝘮𝘦 𝘧𝘰𝘳 𝘸𝘩𝘢𝘵𝘦𝘷𝘦𝘳 𝘳𝘦𝘢𝘴𝘰𝘯, 𝘺𝘰𝘶 𝘮𝘢𝘺 𝘥𝘰 𝘴𝘰.)
NGAYON: Nakatipon ang komunidadng UP Diliman sa AIT, kung saan gaganapin ang pagpili ng susunod na Tsanselor ng UPD.
Sa panahon ng malawakang korapsyon, atake sa kalayaang pang-akademiko, pagsirit ng presyo ng langis at pangunahing bilihin, klaro ang panawagan ng mga kabataang artista at iskolar ng bayan: UP Board of Regents, heed our calls!
Bilang tsanselor ng mga iskolar ng bayan, nararapat na kayang tumindig laban sa katiwalian, imperyalistang giyera, at mga atake sa komunidad.
Hindi dapat nagmamakaawa ang mga iskolar ng bayan para sa klase, kwarto, at kagamitan! Hindi dapat pinapaalis ang nagpapabuhay ng komunidad!
#JunkSDGPark
#dingginangdiliman
ANG GUSTO NAMING CHANCY AY...... 🫣🫵🏻
'Yung hindi kami idadaan sa puro drawing! 💥
Sinugod ng aming team ang College of Fine Arts upang alamin mismo mula sa mga kawani at estudyante ang kanilang mga hinaing, at nais na maiparating sa mga tumatakbong chancellor ngayong UP Diliman Chancellor Selection 2026.
Sino bang chancy ang dapat bigyan natin ng chance? Dininig natin ang boses ng lahat—isang chancellor na marunong makinig at totoong may pakialam sa atin. Hindi ito patungkol sa kung sino ang nararapat maupo, kundi kung sino ang may paninindigan pagdating sa kapakanan ng sambayanan.
Ang nararapat na chancellor ay ang siyang namumuno nang may katarungan at walang takot na haharap sa mga isyung dapat tugunan sa loob at labas ng campus. Kayo—tanungin ang ating mga sarili—anong klaseng chancy ang gusto ko?
Halina’t kilalanin natin si Joshua Saromo bilang kasali sa ating Kwentong Artista!
Tara at ating tunghayan ang iba’t ibang mga nakakaakit na sining at talento na ibinahagi ng mga artistang ito! 🎨🖌️Bigyan natin siya ng suporta sa kaniyang social media platform: @artof_momo
#LIKAS2026
#ArtistaNgBayanGumagawaNgKasaysayan
𝑨𝑵𝑮 𝑲𝑨𝑺𝑨𝒀𝑺𝑨𝒀𝑨𝑵 𝑨𝒀 𝑵𝑨𝑺𝑨 𝑲𝑨𝑴𝑨𝒀 𝑵𝑮 𝑴𝑨𝑺𝑨! 🗣️✊
Nakilahok ang sangka-estudyantehan ng UP CFA sa makasaysayang mobilisasyon bilang paggunita sa ika-40 na anibersaryo ng EDSA People Power Revolution I. Sa estado ng lipunan natin ngayon, kung saan rinered tag ang mga aktibista at sinusupil ang sining, lumabas sa apat na sulok ng unibersidad ang mga artista ng bayan patungong lansangan upang magka-isa sa laban ng masa. ❤️🔥
Noon, mayroon ang tinatawag na First Quarter Storm, kung saan ipinamalas ng kabataan ang pagkaka-isa laban sa diktaduryang Marcos Sr. na naging bahagi rin ng pagbunsod ng pagpapatalsik dito. Ngayon, makikita natin na binubuhay muli ng masa ang diwa ng FQS at EDSA upang mapatalsik muli ang isa nanamang Marcos at ang kanyang kasangkot na si Duterte.
Hinding hindi mapapatahimik ang boses ng mga artista’t estudyante; hangga’t may kalaban ang masa, ang masa ay lalaban. Hangga’t laganap ang korapsyon, hinding-hindi magpapagapi! Anumang pagsupil at pagcensor sa ating mga obra ay gagawa’t-gagawa pa rin ng paraan upang makalikha ng sining na makamasa at mapagpalaya. 🎨🖌️
𝗔𝗥𝗧𝗜𝗦𝗧𝗔 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗞𝗜𝗞𝗜𝗕𝗔𝗞𝗔! 🗣️
𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗧𝗔𝗧𝗔𝗞𝗢𝗧! 🗣️
#EDSA40
#LahatngSangkotDapatManagot
#ArtistsFightBack
𝑺𝑰𝑵𝑰𝑵𝑮 𝑨𝑻 𝑴𝑼𝑺𝑰𝑲𝑨𝑵𝑮 𝑴𝑨𝑷𝑨𝑮𝑷𝑨𝑳𝑨𝒀𝑨, 𝑨𝑻𝑰𝑵𝑮 𝑰𝑷𝑨𝑮𝑴𝑨𝑳𝑨𝑲𝑰 𝑨𝑻 𝑰𝑳𝑨𝑩𝑨𝑵! ❤️🔥❤️🔥
Sa ilalim ng mga banderitas, tila naging piyesta ang ating kampus. Isang munting kaharian ng sining, kulay, at likas na paglikha! Ang bawat latag ay kwento ng paninindigan at pagbabalik sa ugat ng sining. 🎨✨
Sa LIKAS, hindi lang sining biswal ang nananaig, kundi pati ang tinig ng mga musikerong tumugtog at manonood na nagtipon! 🎸
Mula sa latagan hanggang sa tugtugan, ipinamalas natin na ang sining ay buhay, kolektibo, at nakaugat sa pakikibaka!✊
Maraming salamat sa lahat ng artistang naglatag at tumugtog, at sa lahat ng mga dumayo! Sa bawat nota at bawat piyesa, pinili nating buhayin ang sining na likas sa tao at para sa bayan!!🔥
📸:
Sophia Cabugoy
Alyssa Pascual
Raph Benito
#LIKAS2026
#ArtistaNgBayanGumagawaNgKasaysayan