IN CASE YOU MISSED IT: Pasig City Health Office is the first in NCR to be granted an E-CONSULTA ACCREDITATION by the Philippine Health Insurance Corporation or PhilHealth.
This is an important step towards the implementation of Universal Health Care. With the E-CONSULTA in place, our health centers and clinics can provide better primary health care services, which can also help in decongesting our hospitals.
TINGNAN: Unang araw ng #VaccineExpress sa Manggahan
Sa pakikipag-ugnayan sa Office of the Vice President, nagkaroon ng dalawang araw na Vaccine Express sa Manggahan.
Sa ilalim ng programang ito, binakunahan kontra COVID-19 ang mga indibidwal na na-encode na ang profiling forms na nakulekta mula sa pagbabahay bahay ng ating Ayuda Team sa Manggahan, Dela Paz, at Santolan.
Nagpapasalamat ang Lokal na Pamahalaan ng Pasig sa Office of the Vice President, lalo na sa nasa 300 volunteer medical students na nagsilbing katuwang ng ating Vaccination Team sa pagbabakuna ngayong araw at iba pang medical professionals na naipadala ng D&L Indiustries na tumulong sa Vaccine Express rollout sa ating Lungsod.
Sa tulong ng 300 volunteer medical students at iba pang medical professionals, naipadala natin ang ilang miyembro ng ating Manggahan Vaccination Team sa iba pa nating vaccination sites para mas mapabilis din ang takbo ng pagbabakuna sa mga ito.
Hanggang bukas pa ang Vaccine Express sa Manggahan. Kung kayo po ay nakatanggap ng SMS advisory o natawagan ng profiler, pumunta po tayo sa ating schedule para makapagpabakuna!
#bakunangpagasa
TINGNAN: Inagurasyon ng Pasig City COVID-19 Modular Tent o ng ating COVID-19 Step Down Facility.
Kahapon, July 14, 2021 ay pinasinayaan na ang Pasig City COVID-19 Step Down Facility . Ito ay dinaluhan nila Mayor Vico Sotto, Congressman Roman Romulo, DPWH-NCR Assistant Regional Director Juby Cordon, kasama ang ilang miyembro ng Pasig City BEAT COVID-19 Task Force at kinatawan ng IATF.
Ang proyektong ito ay naitayo sa pangunguna ng Department of Public Works and Highways. Ang Step Down Facility ay may 18 na bed capacity at kada isang kwarto ay may CR. Ito ay matatagpuan sa Pamantasang Lungsod ng Pasig na katabi lamang ng Pasig City COVID-19 Referral Center, ang Pasig City Children's Hospital.
BIlang Step Down Facility, dito sa modular tents na ito ililipat ang mga COVID-19 patients na for discharge planning na sa wards. Sa Facility na ito sila dadalhin para tuluyan pa ring mamonitor at ma-assess ang kalagayan bago pa man sila tuluyang ma-discharge ng hospital.
#WeHealAsOne #BeatCOVIDTogether
Kahapon, July 12, 2021, ay opisyal nang inilunsad ang Pasig City Government Employees Management Service o Pasig City GEMS na dinaluhan ng mga kinatawan ng Civil Service Commission (NCR Regional at Field Office). Ito ay ang kumpletong human resource (HR) management system ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig.
Inaasahan na sa pamamagitan ng Pasig City GEMs ay maisasaayos at mapapadali ang recruitment, selection and placement, learning and development, at performance management; at mapapaganda rin ang employee experience at employee relations sa Lokal na Pamahalaan ng Pasig.
Sa ilalim ng Pasig City GEMS ay magagawa ang mga HR processes nang wasto at tama habang sinisiguro na magiging mas transparent at accessible sa lahat ng kawani ng Lokal na Pamahalaan ng Pasig, at alinsunod sa issuances ng CSC, DBM, at COA.
Ang pagkakaroon ng Pasig City GEMS ay isa sa mga inisyatibo ng kasalukuyang administrasyon para sa internal housekeeping o pagsasaayos ng mga proseso sa City Hall.
KUMUSTAHAN KASAMA ANG MGA SK
Kahapon ay nakipagpulong si Mayor Vico sa mga representante ng Sangguniang Kabataan (SK) mula sa mga barangay sa ating lungsod. Sa maiksing pagpupulong na ito ay inalam ng alkalde ang kalagayan ng SK sa mga barangay sa kabila ng pandemya at kung ano ang mga maaaring pagtulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig at ng mga kinatawan ng SK, lalo na at papalapit na ang selebrasyon ng Linggo ng Kabataan.
Isa sa mga programa sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon ang Bayanihan sa Pamamahala, kung saan ang bawat sektor ng lipunan, lalo na ang mga kabataan, ay kinukunsulta at binibigyan ng pagkakataong makisangkot sa pamamahala sa lokal na pamahalaan. Para maging mas makabuluhan din ang pakikisangkot sa paggugobyerno ay sinisigurado rin ng lokal na pamahalaan na may sapat na teknikal na kapasidad ang mga representate ng bawat sektor.
IN CASE YOU MISSED IT: Noong Sabado, June 12, 2021 ay nagdaos ng munting programa ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig para sa selebrasyon ng ika-123 taon ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas na nilahukan nina Mayor Vico Sotto, Congressman Roman Romulo, at ilang miyembro ng ating Sangguniang Panlungsod.
Matapos ng munting programa ay nagkaroon naman ng turn over ng 18 motosiklo at 2 Toyota Vios para sa ating Peace and Order Department (POD). Ito ay para mapataas din ang POD visibility sa ating lungsod at para rin mabilis silang maka-responde sa mga reports katulong ang ating mga kapulisan.
IN CASE YOU MISSED IT: Nagpamahagi ng separation pay o gratuity pay sa 73 Pasig Health Aides (PHAs) at 33 pang ibang empleyado mula sa iba’t ibang opisina ng Lokal na Pamahalaan ng Pasig noong Lunes, June 7, 2021. Ang mga nakatanggap ng separation pay ay yung mga may volunteer status na may edad 65 pataas na forced retirement dahil sa pandemya.
Ani Mayor Vico Sotto sa post niya, ang separation pay ay “bilang pasasalamat sa kanilang paglingkod sa ating lungsod... lalo na sa ating mga PHA na nagsilbing pundasyon ng ating serbisyong pangkalusugan sa mga Barangay Health Center. Ibang klase ang sipag at dedikasyon nila. Deserve nila 'to.”
Pinilit ng Pasig LGU na magkaroon sila ng separation pay na may halagang PHP10K para sa bawat taon na nasa ilalim sila ng LGU; para sa mga Pasig Health Aide, may karagdagang PHP5k kada taon pa para sa mga taon na Barangay Health Workers pa lamang sila.
Tingnan ang buong post ni Mayor Sotto sa link na ito: /VicoSotto/posts/4182384781820168
Aabot sa halos 89 pamilya o 363 katao ang kasalukuyang nasa evacuation center sa San Miguel Elementary School, as of 12:00 midnight, May 20, 2021. Ang mga nasabing pamilya ay nakalikas mula sa isang residential area na nasunog sa Tuazon Compound, Brgy. San Miguel.
Nagsimula ang sunog kahapon, May 19, 2021, bandang 07:00PM; 11:15PM nang idineklara ng Bureau of Fire Protection (BFP) na fire out sa nasabing area.
Maraming salamat sa BFP DRRMO at mga volunteer fire fighters para sa mabilis na pagresponde sa sunog.
Agarang nakapagset up ng evacuation area sa San Miguel Elementary School sa pangunguna ng ating PSWD at mga staff ng Mayor's Office na nagpamahagi rin ng alcohol, face masks, at disaster kits. Naghanda rin kaagad ang Community Kitchen ng hot meals para sa evacuees.
Panuorin ang maikling kwento ni Aling Marita, isang senior citizen na nabakunahan isang araw bago ang kanyang kaarawan. Para kay Aling Marita, ang pagkakabakuna sa kanya ay itinuturing niyang birthday gift. Aniya: “Yan lang ang regalo sa akin. Tama na yan na di kami nagkakasakit.”
Belated Happy Birthday, Aling Marita! At Belated Happy Mother’s Day din sayo!
----
Kung willing magpabakuna kontra COVID-19, maaaring sagutan ang online profiling form ayon sa priority group na kinabibilangan:
Senior Citizens: http://bit.ly/Profiling_SC
Adults with Comorbidities: http://bit.ly/ProfilingComorbids
Persons with Disabilities: http://bit.ly/ProfilingPWD
Maaari ring tingnan ang album na ito para sa mga updates ukol sa COVID-19 Vaccination sa ating lungsod: /media/set/?vanity=PasigPIO...
#BakunaNgPagAsa
Bidding of various city projects. April 16, 2021 at 10:00am
Venue: Sports Center beside the Pasig City Hall
1. Food Provision for Trainings, Seminars, Conferences, Drills, Competitions, and other Disaster Activities-PCDRRMO (Staggered Delivery)
ABC: P3,655,000.00
2. Supply and Delivery of Various Office Supplies and Materials-Sangguniang Kabataan Federation (30 CD)
ABC: P1,791,950.00
3. Supply and Delivery of Various Electrical Materials for the repair, replacement and installation of streetlights in Various Barangays District I & II-Engineering Department (45 CD)
ABC: P14,403,710.00
4. Supply and Delivery of Pharmaceutical Refrigirator-PCCH and Upright Freezer, Refrigirator and Dish terilizer (180 CD)
ABC: P1,155,500.00
5. Supply and Delivery of Hot/Cold Mixed Asphalt, Sealant & Bituminous Prime Coat-Engineering Department (Staggered Delivery)
ABC: P18,664,500.00
6. Supply and Delivery of Thermoplastic Supplies-Engineering Department (Staggered Delivery)
ABC: P3,403,500.00
7. Supply and Delivery of Various Office Supplies and Materials-GSO (45 CD)
ABC: P1,791,950.00
Pre-procurement of various city projects follows immediately.