kahlil calamiong

@kdashfive

music photographer | freelance photographer | multimedia artist MNL PHL © KDASHFIVE
Followers
990
Following
813
Account Insight
Score
25.48%
Index
Health Rate
%
Users Ratio
1:1
Weeks posts
Color time again! Sharing some before and afters from @angbrgytibay x @medisinaclothing : Valentine's Day Special at @saguijobar . kahlil calamiong © 2026 #kdashfive #postprocessing #lightroom #lightroompresets #colorgrading
38 2
2 months ago
Color time! Sharing some before and afters from House of Spades: Fan Experience photos. Will be posting more soon! And maybe I'll share some presets too... soon. Haha! kahlil calamiong © 2025 #kdashfive #postprocessing #lightroom
33 3
5 months ago
back on track with a wider perspective. send a buzz for inquiry. work with me! #kdashfive #photographerforhire #manila
49 2
5 months ago
@kamikazeephil at Circus Music Festival 8 kahlil calamiong © 2026 #kmkz #kdashfive #circusmusicfestival8
35 0
8 days ago
Ibang Michael ata napanood ko kagabi. @jaycontr3ras of @kamikazeephil at Circus Music Festival. kahlil calamiong © 2026 #KMKZ #kdashfive
19 0
8 days ago
Akala mo FlipTop through the years eh no? Haha! Day 2 lang ng Second Sight yan pero naka tatlong palit ako ng shirt. Paano ko ba sisimulan 'to? Sa totoo lang, hindi pa rin ako makapaniwala na tatagos ako dito sa pinaka-malaking rap battle sa mundo. Yung pakiramdam na parang palaging bago kahit na pangatlo-pang-apat ko na 'tong pagkakataon para humuli at dumama ng mga palitan ng bara sa FlipTop. Kada event iba yung expectation. May bago kang aabangan at susubaybayan. Yung pakiramdam na isa rin 'to sa pangarap ko dati, yung maging Emcee sa FlipTop bukod sa magkaroon rin ng sariling banda at maging musikero. Kulit lang din talaga ng ert, hindi man ako naging bokalista, gitarista o kahit tambolista ng banda, o kaya maging battle emcee, napunta pa rin ako sa eksena na 'to bilang litratista. Ibang klase rin talaga siguro pag minanifest mo at pinagtrabahuhan mo yung mga gantong pagkakataon. Sobrang habang kwento kung hihimayin ko yung mga panahong nag-simula ako sa pag-litrato, at nangarap na makatrabaho yung mga taong tinitingala ko sa eksena. Maraming salamat palagi, THE @ninasandejas para sa mga gantong pag-kakataon. Ang dahilan kung bakit tinangay ako ng tadhana para mapadpad dito sa @fliptopbattles at sa nakaraang Red Horse Beer Muziklaban! At syempre, reppin' @medisinaclothing kahit sa FlipTop! Ang isa rin sa naging gabay at tulay ko kung bakit nandito ako sa eksena. At ang mga LEGENDS ng @greyhoundzgang Salamat palagi sa inyo, mga Manong at Kuya! Salamat, universe! Salamat rin Jeyz sa mga litrato!
54 0
18 days ago
Last anniversary na dalawa lang kami, kasi in a few weeks our forever third-wheel will be here na... Kaia! Life recently. Been living a quiet life for the past few months, kasi... why not? hahaha! Almost nasa final month na rin ng Pregnancy Journey namin. Excited and medyo kabado sa bagong stage ng buhay... Parenting Hits! Pero mas kabado ata ako sa labor at panganganak ni Angeli tbh. Pero alam ko naman na she can do it, we can do it... Hahaha! Baka ako pa yung unang himatayin nyaha! Thank you, love. As always. Hindi biro yung 8 months and counting na may isang life ka pang kasama sa lahat ng kilos mo everyday. From work, to errands and monthly check-up. Kahit na daming ungot, galit at hindi mapaliwanag na mood ang umiikot sa ating dalawa. Hahahaha! Tayong dalawa lang makakaintindi ng mga biglang may mag tatantrums sa gilid. Hahaha! Can't wait to spend my everyday life with our little family. Excited na akong alagaan kayo nila Kaia at Brew. Kahit na alam ko na this will be exhausting for us sa first few months. Kakayanin, at palaging kakayanin para sa inyo. Mahal na mahal na mahal ko kayo. Palagi. Happy Anniversary, Love!
77 0
23 days ago
I may be carrying our baby, but you’re carrying us all (me, kaia, brew, and everything in our life) thank you for your unconditional love 🤍 I am the luckiest and I couldn’t be more blessed to have you as my partner, my best friend, the dad of our children and the love of my life. 🤍 happy anniversary, my love! I love you so much 🤍💌 #proofoflife
0 1
23 days ago
@fliptopbattles Ahon 16 Day 1 Minsan sa FlipTop, naging back-up shooter ng nag-iisang @ninasandejas . Lumaki at sumubaybay mula umpisa ng liga, Datu vs Cameltoe, Batas vs Dello, Loonie vs Gap at sana talaga hindi nawala yung SD Card ng Batas vs Abra etc. Ayan yung mga battle na ilang beses ko rin inulit-ulit nung elementary pa lang ako. Wild kung iisipin na 2010 pa ata yon? Haha! Kinabisado yung bawat linya para i-banat sa mga kaklase at kaibigan sa eskwela. Ginaya yung mga estilo ng battle emcees, at nakipag-palitan ng bara sa loob ng classroom. Ganun katindi yung epekto ng FlipTop sa kabataan ko nun. Fast forward, nung nakaraang taon, unang beses ko makasubaybay ng live ng FlipTop. Hindi lang para manood, kundi para humuli at kumuha ng eksena ng liga nung gabing yun. Big Assignment, Ahon 16 agad. Isa sa pinaka-hinihintay at inaabangan ng tiga-suporta ng FlipTop. Iba yung dama, iba yung palitan ng hiyawan nga mga emcees at manonood. Kaya pala, Iba pa rin pag Live! Tignan ang ilan sa mga kuha ko mula sa Ahon 16 Day 1. Suportahan. Wag Piratahin. FlipTop, Mag-ingay! kahlil calamiong © 2026 #fliptopbattleleague #rapbattle #kdashfive
43 3
1 month ago
MGA REPA! Red Horse Beer Muziklaban na! Ilan 'to sa mga kuha sa harap at likod ng entablado ng Muziklaban nung nakaraang taon. Halos reunion ng mga ilang legends ng Pinoy Rock! Ito yung naabutan ko na eksena noon, kasi gabi na kami dumating ng venue kasama ang Houndz. Unang beses ko rin makasubaybay ng palitan ng enerhiya ng Muziklaban. Ibang klase! Bukas, sabay-sabay natin ulit paikutin at palakasin ang pwersa ng mga sumusuporta sa Pinoy Rock! At muling huhuli sa pwersa niyo para sa legasiya ng Muziklaban. Ito ang tama! kahlil calamiong © 2026 @redhorsebeer #RedHorseMuziklaban #kdashfive
26 0
2 months ago
Baby Kaia's Shower & Gender Reveal Finally! Lumabas na ang isang buwang sinikreto ni @ann__geli sa akin simula nung malaman niya yung gender ni Kaia. Ang kulit lang din dahil dapat sabay namin malalaman yung gender ni Kaia sa araw na 'to kaso naging joke time yung last check-up namin with OB. Hahaha! Pikit mata si Angeli habang inu-ultrasound para hindi namin makita yung gender habang ako busy gumamit ng telepono sa gilid niya. Alam ng OB niya na magkakaroon kami ng Gender Reveal. Tikom bibig lang siya all through out the session, ng biglang iginagalak sabihin sa amin na "Okay na... kitang-kita ang ebidensya!" at akala ni Angeli ay okay na rin para idilat yung mata niya ng biglang... nakita niya pala yung nakatype ng gender doon sa malaking screen sa harap niya pag inuultrasound siya, hindi namin alam kung nakalimutan ba ng OB namin na i-clear yung nasa screen haha! Kaya ayun, isang buwan tinago ni Angeli sa akin to. Ilang kape rin ang nainom ko sa gabi at puyat ni Angeli para lang matapos 'tong ganap na 'to. Simula sa planning, pag-bili ng mga kailangan, at pag-konsulta sa family namin kung ano pa ba kailangan sa pag-prepare ng mga handa at decors para sa baby shower ni Kaia. Tiring but super worth it! Ubos yung energy at social battery namin pareho pagkatapos ng ganap eh! Sarap makita ng family namin na nag-enjoy at nag-click sa isa't-isa sa unang life event ng aming growing family. Papunta pa lang kami sa mas exciting part, pero kailangan ko munang i-recharge yung Nanay ng anak ko dahil bukas balik na ulit kami sa trabaho haha! Maraming salamat sa lahat ng dumalo at naglaan ng oras para sa maliit na salo-salo for our Little Kaia. At oo nga pala... Kaia is a GIRL! Wooohooo! I love you, Nanay, Brew and Kaia. Always. Tatay 🫶🏼
108 20
2 months ago
@greyhoundzgang sa @angbrgytibay Valentines Day Special. At nagalaw na sa wakas ang baso. Ilang taon rin lumipas nung huling nagpa-sauna bath ang Tibay sa SaGuijo. Ibang klase pa rin yung init at siksikan sa loob ng maliit na kwarto. Kung ano ang hinga mo, yun din ang hinga ng lahat. Hindi lang palitan ng lakas yung umikot eh, pati hangin ng isa't-isa. Isa pa kaya ulit? kahlil calamiong © 2026 #kdashfive #brgytibay #medisinaclothing
39 5
3 months ago