Taos puso akong nagpapasalamat sa pagtanggap ng Trans Trailblazer Award.
Nang sinimulan ko ang aking transition, ang pagiging visible ay tila isang panganib. Pero ngayon, narito ako hindi lang bilang isang tao, kundi bilang repleksyon ng bawat trans na taong naglakas loob na umabante, kahit na hindi malinaw ang daan.
Ang parangal na ito ay hindi lamang para sa akin. Ito ay para sa bawat batang trans na sinabihang “sobra ka” o “kulang ka.” Para ito sa mga patuloy na naghahanap ng tamang salita upang pangalanan ang sarili nila nat para rin sa mga namumuhay ng totoo.
Ang pagiging isang trailblazer ay ang pag-ukit ng daan kung saan dati ay wala. At ang daang iyon ay naging posible lamang dahil sa mga trans elders, aktibista, artists, at mga bayani sa araw araw na nauna sa akin. Pinararangalan ko sila sa pamamagitan ng patuloy na paglakad paabante at sa pagiiwan ng landas na mas malawak, mas maliwanag, at mas ligtas para sa susunod.
Maraming salamat sa pagkilala sa akin. Salamat sa paniniwala sa kapangyarihan ng representasyon.
@theredwhistle @obarphilippines @headshotclinic
Lubos kong pinasasalamatan ang aking
@dragraceph family, sa pagbibigay ng pagkakataon sa akin at sa pagiging tunay na inklusibo. 🏁 Maraming salamat sa aking
@spillthet_podcast brothers sa tunay na pagkakapatiran at sa patuloy na pagbibigay ng inklusibong espasyo para sa mga transmen. 🏳️⚧️
Sa aking pamilya, maraming salamat sa pagtanggap at pagmamahal ng walang kondisyon.
Para sa aking fiancée
@romaregala , salamat sa walang hanggang suporta at sa pagmamahal mo sa bawat pagbabagong pinagdadaanan ko. Mahal na mahal kita.
Congratulations sa lahat ng kapwa ko awardees:
@senleiladelima - Icon of the Year
@boyabunda - Icon of the Year
@bamaquino - Ally for Change
@maxieandreison - Beacon of Representation
@itssassagurl - Young People’s Champion
Ipagpatuloy natin ang laban, ang pag-ibig, at ang matapang na pamumuhay. 💗🏳️🌈🏳️⚧️
#passthesogiebill