Home dpwhphPosts

DPWH πŸ‡΅πŸ‡­

@dpwhph

Department of Public Works and Highways πŸ‡΅πŸ‡­ Official account of the engineering and construction arm of the Philippines. www.dpwh.gov.ph
Followers
20.9k
Following
24
Account Insight
Score
37.5%
Index
Health Rate
%
Users Ratio
871:1
Weeks posts
π“πˆππ†ππ€π: Agad na ibinalik ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang bakod sa Balete Creek sa Taft Avenue, Ermita, Manila, na pansamantalang tinanggal para bigyang-daan ang isinasagawang dredging operation bilang paghahanda sa nalalapit na tag-ulan. Sa isinagawang inspeksyon noong May 14, 2026, hiniling ng pamunuan ng Santa Isabel College of Manila kay Secretary Vince Dizon ang agarang pagbabalik ng bakod, na nagsisilbing karagdagang seguridad ng paaralan upang maiwasan ang posibleng pagpasok ng mga hindi awtorisadong indibidwal at insidente ng nakawan.
68 0
18 hours ago
π“πˆππ†ππ€π: Dismayado si Public Works Secretary Vince Dizon nang inspeksyunin ang Punta-Open Canal Diversion Road Project sa General Trias City, Cavite na halos sampung taon nang bitin at hindi napapakinabangan ng mga motorista at komyuter dahil sa paulit-ulit na tingi-tinging pondo at problema sa road right-of-way. Sinabi ni Secretary Dizon kina Cavite 6th District Representative Antonio β€œOny” Alandy Ferrer at General Trias City Mayor Luis β€œJon-Jon” A. Ferrer IV na iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpondo sa natitirang 2.35-kilometrong bahagi ng diversion road project para matapos na ito sa 2027 upang mapaiksi ang biyahe ng mga motorista at komyuter sa pagitan ng bayan ng Tanza at Imus ng 15-minuto sa kasalukuyang 30 hanggang 40-minuto. @jonjonferrerofficial
14 1
2 days ago
ππ€ππŽπŽπ‘πˆπ: Dismayado si Public Works Secretary Vince Dizon nang inspeksyunin ang Punta-Open Canal Diversion Road Project sa General Trias City, Cavite na halos sampung taon nang bitin at hindi napapakinabangan ng mga motorista at komyuter dahil sa paulit-ulit na tingi-tinging pondo at problema sa road right-of-way. Sinabi ni Secretary Dizon kina Cavite 6th District Representative Antonio β€œOny” Alandy Ferrer at General Trias City Mayor Luis β€œJon-Jon” A. Ferrer IV na iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpondo sa natitirang 2.35-kilometrong bahagi ng diversion road project para matapos na ito sa 2027 upang mapaiksi ang biyahe ng mga motorista at komyuter sa pagitan ng bayan ng Tanza at Imus ng 15-minuto sa kasalukuyang 30 hanggang 40-minuto.
111 4
2 days ago
π“πˆππ†ππ€π: Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbubukas ng isa pang drainage improvement project ngayong Biyernes, May 15, sa Bonifacio Drive, Port Area, Manila matapos inspeksyunin ni Public Works Secretary Vince Dizon at Manila Mayor Isko Moreno nitong Miyerkules. Nauna nang ininspeksyon ni Secretary Dizon noong April 12 ang mas pinalawak na drainage na dati ay may lapad lang na kalahating-metro at inaasahang mabilis mapapahupa ang matinding pagbaha sa lugar na paulit-ulit nirereklamo ng mga motorista at komyuter dahil sa mataas na tubig tuwing tag-ulan.
12 0
3 days ago
ππ€ππŽπŽπ‘πˆπ: Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbubukas ng isa pang drainage improvement project ngayong Biyernes, May 15, sa Bonifacio Drive, Port Area, Manila matapos inspeksyunin ni Public Works Secretary Vince Dizon at Manila Mayor Isko Moreno nitong Miyerkules. Nauna nang ininspeksyon ni Secretary Dizon noong April 12 ang mas pinalawak na drainage na dati ay may lapad lang na kalahating-metro at inaasahang mabilis mapapahupa ang matinding pagbaha sa lugar na paulit-ulit nirereklamo ng mga motorista at komyuter dahil sa mataas na tubig tuwing tag-ulan.
133 2
3 days ago
π“πˆππ†ππ€π: Bukas na muli ang outer northbound lane ng Taft Ave. sa Ermita, Manila, matapos ang isinagawang pagpapalawak sa drainage sa lugar para mabilis mapahupa ang baha na taun-taong problema ng mga estudyante, komyuter at mga motorista. Binuksan nina Public Works Secretary Vince Dizon at Manila Mayor Francisco β€œIsko” Moreno ang proyekto, kasunod ng utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na siguraduhing matatapos ang drainage improvement sa bahaging ito ng Taft Avenue bago sumapit ang tag-ulan.
24 1
4 days ago
ππ€ππŽπŽπ‘πˆπ: Bukas na muli ang outer northbound lane ng Taft Ave. sa Ermita, Manila, matapos ang isinagawang pagpapalawak sa drainage sa lugar para mabilis mapahupa ang baha na taun-taong problema ng mga estudyante, komyuter at mga motorista. Binuksan nina Public Works Secretary Vince Dizon at Manila Mayor Francisco β€œIsko” Moreno ang proyekto, kasunod ng utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na siguraduhing matatapos ang drainage improvement sa bahaging ito ng Taft Avenue bago sumapit ang tag-ulan.
177 1
4 days ago
𝐏𝐁𝐁𝐌 𝐒𝐀 𝐃𝐏𝐖𝐇: 𝐏𝐀𝐆𝐇𝐀𝐍𝐃𝐀𝐀𝐍 𝐀𝐍𝐆 ππ€π‹π€π‹π€ππˆπ“ 𝐍𝐀 𝐓𝐀𝐆-𝐔𝐋𝐀𝐍; πŽππ‹π€π πŠπŽππ“π‘π€ 𝐁𝐀𝐇𝐀 ππ€πˆπ†π“πˆππ†πˆπ 𝐒𝐀 π‹πŽπ–-π‹π˜πˆππ† 𝐀𝐓 π…π‹πŽπŽπƒ ππ‘πŽππ„ 𝐀𝐑𝐄𝐀𝐒 Pinapatutukan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapaigting at patuloy na implementasyon ng Oplan Kontra Baha (OKB), upang matiyak na tuluy-tuloy at walang obstruction sa mga major waterways at maiwasan ang matinding pagbaha ngayong paparating na ang rainy season. Iniutos ni Pangulong Marcos ang regular na paglilinis, declogging, desilting, at pagpapalawak ng mga pangunahing waterways sa mga low-lying at flood-prone areas, kabilang ang Metro Manila, Ilocos Region, Cagayan Valley, Tarlac, at Naga. Magsisimula na rin ang programa sa Pampanga ngayong araw. Patuloy ding pinalalawak ang OKB sa Visayas at Mindanao, gaya ng Cebu, Iloilo, Bacolod, Cagayan de Oro, at Maguindanao, na ilan sa mga lugar na madalas maapektuhan ng matinding pagbaha.
39 1
4 days ago
π“πˆππ†ππ€π: Sinimulan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pag-demolish ng ampaw na dike sa may Brgy. Calizon, Calumpit, Bulacan, para palitan ng mas matibay, at mas mataas na river control project, kasunod ng utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ayusin ang lahat ng substandard na flood control projects sa buong bansa. Ininspeksyon ni Secretary Vince Dizon, kasama si Calumpit Mayor Lem Faustino, ngayong Martes ang pagbabaon ng 15-metrong sheet pile sa flood-control structure sa kahabaan ng Bagbag River, na inaasahang matatapos sa March 2027 para maprotektahan ang nasa 3,000 residente sa lugar mula sa matinding pagbaha.
17 1
5 days ago
ππ€ππŽπŽπ‘πˆπ: Sinimulan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pag-demolish ng ampaw na dike sa may Brgy. Calizon, Calumpit, Bulacan, para palitan ng mas matibay, at mas mataas na river control project, kasunod ng utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ayusin ang lahat ng substandard na flood control projects sa buong bansa. Ininspeksyon ni Secretary Vince Dizon, kasama si Calumpit Mayor Lem Faustino, ngayong Martes ang pagbabaon ng 15-metrong sheet pile sa flood-control structure sa kahabaan ng Bagbag River, na inaasahang matatapos sa March 2027 para maprotektahan ang nasa 3,000 residente sa lugar mula sa matinding pagbaha.
85 1
5 days ago
π“πˆππ†ππ€π: Isang araw matapos i-anunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tuluyan nang naapula ang sunog sa Navotas Sanitary Landfill, binalikan ngayong umaga ni Public Works Secretary Vince Dizon ang landfill site para sa tuluy-tuloy na monitoring, at post-disaster interventions ng pamahalaan upang hindi na maulit ang mapaminsalang sunog na nakaapekto sa mga komunidad sa Navotas at karatig-lungsod at lalawigan. Kasamang naginspeksyon sina Japanese Ambassador to the Philippines Endo Kazuya, Environment and Natural Resources Secretary Juan Miguel Cuna, Transportation Secretary Giovanni Lopez, Metro Manila Development Authority (MMDA) General Manager Nicolas Torre III, Navotas City Mayor John Rey Tiangco, at San Miguel Corp. Chairman at CEO Ramon Ang.
8 0
6 days ago
ππ€ππŽπŽπ‘πˆπ: Isang araw matapos i-anunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tuluyan nang naapula ang sunog sa Navotas Sanitary Landfill, binalikan ngayong umaga ni Public Works Secretary Vince Dizon ang landfill site para sa tuluy-tuloy na monitoring, at post-disaster interventions ng pamahalaan upang hindi na maulit ang mapaminsalang sunog na nakaapekto sa mga komunidad sa Navotas at karatig-lungsod at lalawigan. Kasamang nag-inspeksyon sina Japanese Ambassador to the Philippines Endo Kazuya, Environment and Natural Resources Secretary Juan Miguel Cuna, Transportation Secretary Giovanni Lopez, Metro Manila Development Authority (MMDA) General Manager Nicolas Torre III, Navotas City Mayor John Rey Tiangco, at San Miguel Corp. Chairman at CEO Ramon Ang.
54 1
6 days ago