International Working Women's Day 2025 ✨
Nakikiisa ang Kabataan Partylist Southern Mindanao sa malawak na hanay ng kababaihan sa panawagang pagtaas ng sahod, pagbaba ng presyo, at ang paniningil sa pahirao, korap, pasista, at tutang rehimen ni Marcos JR. Nakikiisa rin kami sa paglaban para sa karapatan sa pabahay at batayang serbisyong panlipunan, at ang paglaya mula sa isang patriyarkal at macho-pyudal na lipunan.
EDSA 39 ✨
Paalala sa mga kabataan na kung wala ang militanteng diwa ng EDSA noon, hindi natin maeenjoy ang mga bagay bagay na mayroon tayo ngayon. Alalahanin ang kasaysayan at isabuhay ang militanteng diwa na umaagos sa dugo nating mga Pilipino.
Photos from : Himati, Atenews, Primum, Davao Today
Ganaps this week ✨
Bagamat sinasabing "balwarte ng mga Duterte" ang Davao, naipakita na mainit at sinusuportahan ng mga mamamayang Dabawenyo ang plataporma ng Koalisyong Makabayan. Naipakita na hindi tayo kagaya ng mga trapo at political dynasty na walang konkretong plataporma para ipabuti ang buhay ng sambayanang Pilipino, sapagkat inilahad ng Makabayan Koalisyon ang mga konkretong plano't plataporma nito para sa taumbayan.
ps. ded body ngunit mas na reaffirm ang ating paniniwala
Some Photos from Himati, official student publication of UP Mindanao