Nasaraduhan ako ng registration kaya nag-commute ako pa-Bulacan. Hahaha. Kasalanan ko yon, di ako maagap. Isa ito sa 2 locations namin nang araw na yan, Casa Real. Maganda rin sana sa tawid kalsada pumwesto kaso ang init.
After ng lunch break ay sa Barasoain Church kami pumunta.
#artoh #urbansketching #urbansketchers #sketchbook q
Bawas backlog lang ulit. Noong Feb 1, nag adhoc kami sa Binondo kasama sila Luke. Dito lang ako sa arko at fountain pumwesto. Dalawang oras ako dito. Hahaha.
Lumipat kami ng location sa First United Building. Parang 4th floor yata kami pumwesto pero di na ako naghanao ng mahirap na subject kasi napagod ako sa una.
Singit ko lang dito yung drawing ko kung minsang nag-laundry ako last year.
Ayon.
#artph #urbansketchers #sketchbook
Ito ang 3rd leg ng Banaag Sketch Tour, at ang locations ay ang Katipunan Freedom Trail. Nagsimula kami sa Andres Bonifacio Monument sa may Cloverleaf kaso ayun nga hindi nakapasok kaya kung ano lang ang makita namin sa labas, yun na lang.
Next stop ay sa Banlat Rd sa Tandang Sora Women's Museum. Dito nakapasok na kami kaso mainit. Hahaha. Yung pinaka shrine ang pinili kong subject pero maganda rin yung museum.
May isang location pa daw dapat, yung sa Krus Na Ligas pero dahil medyo maliit ang vacant space doon ay mahihirapan i-accomodate ang sketchers. May adhoc kami don, i-post ko next time.
Ito pala favorite kong output sa buong tour. Hahaha.
#artph #urbansketchers #sketchbooktour
Ito yung pangalawang part ng Banaag at sa Taal, Batangas ang location. Isa sa mga bayan na nag-preserve ng mga heritage house kaya ang isang drawing ko ay heritage house (habang nasa waiting line sa lunch).
Wala akong drawing ng mismong museum dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari kaya nag-cram ako para lang may output. Ang isa ay yung malapit na cafe, Hardin Cafe, at yung isa ay sa resto kung saan kami nag-lunch, Cuchara Y Tenedor. Maraming urban sketch display sa loob.
Sayang at hindi ko napasok yung Camera Museum. Kulang ang isang araw para sa buong itinerary namin (at mabagal pa ako mag-drawing).
#artph #urbansketching #urbansketchers #sketchbooktour
Ilang scans ulit galing sa pula kong sketchbook.
1. Nagpunta ako sa Joli's kasi doon ko nakita yung canvas size na hinahanap ko. Malapit sa Joli's ay ang corner building na ito.
2. Nanood ako nyan sa Gateway ng Resurrection at It Was Just An Accident, part ng FDCP World Cinema.
3. Sa lobby lang ito ng Gateway Cinema overlooking sa crossing.
4. Sa baba ito ng opisina ni Men. Hinihintay ko siya.
Brushpen at gel pen pa ang gamit ko dito. Earlier this year lang pala ito. Lol.
#artph #sketchbook #sketchbooktour
May mga ilang kuha rin pala ako galing sa unang sketchwalk ngayong 2026.
Di ko na tanda kung OM-2SP ba ito, basta expired na Ultramax, tapos dev and scan by @sprocketwerks
#filmsnotdead #grainisgood #expiredfilm
Sinimulan ng USkQC ang 2026 sa pag-launch ng Banaag: Sketching Heritage from Revolution to Republic noong January. Bilang unang location ng sketch tour na ito ay sa Quezon Cityโ Museo ni Manuel Quezon. Noon ko lang din nalaman na may museum pala sa ilalim ng QC Circle.
Medyo challenging ulit yung panahon na ito dahil hapon kami nagsimula, mainit na ang panahon. Mabuti na lang at may mga pwesto sa labas na masisilungan. Kaya nga sana mas madagdagan pa ang green spaces natin.
Ang idea ko rito ay kunin ang exterior scene (yung mismong shrine) at kumuha ng element sa loob (yung libingan ang napili ko). Dito unang pumasok sa isip yung wide angles (gawa-gawa ko lang kasi yung perspective dyan. Hahahaha)
Nang oras na ng latag, nagulat ako sa dami ng attendees. Mahigit 100 katao ang kasama. Na-overwhelm ako ng konti, sinabayan pa ng konting ambon habang patapos yung program. Marami akong nakitang bago, pati mga datihan na rin. Solid experience.
#artph #urbansketching #urbansketchers #uskqc #sketchbooktour
Galing sa Day 1 ng Komiket Makati. Baka maging regular na gawain ko na ito sa mga event na pupuntahan ko. Susubukan.
Salamat ulit sa suporta. Drawing lang nang drawing.
#artph #sketchbook #processvideo #komiketmakati